Translate

Martes, Abril 9, 2013



Hamon Sa Mga Kandidato


Ngayong panahon ng eleksyon,kaliwa’t kanan ang pangangampanya ng mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon.Kung sinuman ang sa kanila ang mahalal,kailangan nilang bigyan ng solusyon ang mga problema ng ating bayan.

Magsisimula ang pagbabago ng ating bayan kung tayo’y boboto at kailangan ang ating iboboto ay yung para sa atin ay karapat-dapat na maging isang lider.At kapag ang kandidato ay nahalal na,kailangan niyang masolusyonan ang mga problemang kinahaharap ng ating bansa.

Ito ang ilan sa mga problema ng ating bansa na kinahaharap natin sa ngayon:

Kawalan ng trabaho para sa mga wala

Kakulangan ng sapat na sweldo

Kontraktwalisasyon sa mga manggagawa

Pagdami ng mga maralita

Pagdami ng mga walang permanenteng tirahan

Pagdami ng mga batang di-nakakapag-aral

Kakulangangan ng mga silid-aralan,libro,silya,guro,pisara,at iba pang mga gamit sa paaralan

Pagdami ng mga batang di-nakapagtapos ng elementary,sekundarya,o/at kolehiyo

Pagtaas ng matrikula sa kolehiyo

Kakulangan ng sapat na suplay ng kuryente sa Mindanao

Kawalan ng pagkakaroon ng malinis na tubig

Kakulangan ng mga ospital,health center,mga gamot,doktor,nars,at iba pang mga gamit at tao na kailangan sa sektor ng kalusugan

Pagdami ng mga Pilipinong nagugutom

Pagmamahal ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas,gulayprutas,gasolina at iba pa

Kakulangan ng suporta sa ating mga magsasaka,mangingisda,at iba pa sa sektor ng agrikultura

Paglaganap ng iligal na sugal tulad ng jueteng

Pagdami ng populasyon ng ating bansa

Mataas na agwat ng mga mayayaman sa mahihirap

Polusyon sa lupa,mga katubigan,at sa hangin

Pagkakaroon ng baha kahit na mahina lang ang pag-ulan

Kakulangan ng kaalaman,mga paghananda,at gamit ukol sa mga paparating na kalamidad

Mga iligal na pagmimina,at pagtrotroso

 Kawalan ng sistema sa pagkakaroon ng tamang pagtatapon ng basura
Pagkakaroon ng masikip na daloy ng trapiko

Pagdami ng mga kolorum na sasakyan

Kakulangan ng maayos na kalsada at mga tulay

Pagdami ng mga dayuhan na nagdadala o gumagawa ng droga sa ating bansa

Pornograpiya

Pagdami ng krimen

Pagdami ng mga sindikato na nangunguha ng mga bata

Pagdami ng mga kabataang nasasangkot sa krimen

Pagdami ng mga tiwali at mga gumagamit ng kanilang kapangyarihan para sa pansarili at labag sa batas na mga  opisyal ng pamahalaan,pulis,at sundalo

Political dynasty

Kurapsyon

Red Tape

Kawalan ng kalayaan sa pagkuha ng mga impormasyon at mga dokumento mula sa pamahalaan

Kawalan ng kalayaan sa pamamahayag

Pagdami ng mga pinapatay na mamamahayag

Pagdami ng mga nagtratrabaho nating kababayan sa ibang bansa

Patuloy na panggugulo ng mga rebeldeng grupo di lamang sa Mindanao kundi sa ibang panig ng ating bansa tulad ng mga NPA

Pag-aangkin ng China,Taiwan,Malaysia,Brunei at Vietnam sa Spratlys Island at ng Malaysia (ulit) sa Sabah

Visiting Forces Agreement ng ating bansa sa Amerika,Australia at Canada

Ito ang ilan sa mga problema ng ating bansa.Napansin natin na halos ng lahat ng problema ay magkakakonekta sa isa't isa,at maaring ang solusyon dito at maaring iisa lang din ang solusyon sa mga problema ng ating bansa at ito ag dapat na makita ng ating mga kandidato.Ito ay dapat masolusyonan upang tayo at ang ating bansa ay lalo pang umunlad kaysa ngayon.Ang ating magagawa ay ang magdesisyon kung sino para sa atin ang karapat-dapat.Maging mapanuri sa mga kumakandidato kung sila ba ay sinsero,matapat,at may kakayahang matupad ang kanilang mga ipinangako. .#HamonSaMgaKandidato #PHDecision


Para sa inyong mga komento,suwestiyon,at opinyon ,maari ninyong ipadala sa e-mail na umalohokan@yahoo.com.ph o i-type na lang sa comment box.

I-like ang aking Facebook Page:facebook.com/pages/Umalohokan

Sundan ako sa Twitter:twitter.com/umalohokan_news


Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento

Para sa inyong mga komento,opinyon at suwestiyon,type lang dito.